Minsan, sabik akong pumasok sa trabaho. Nais ko kasing sorpresahin ang amo ko dahil ako ang naglinis sa sahig noong gabing wala ang tagapaglinis namin. Pero iba ang nangyari. Pagbukas ko ng pinto, puno ng tubig ang buong lugar at palutang-lutang ang ilang gamit. Naiwan ko pa lang nakabukas ang gripo nang magdamag. Sa halip na sermunan, kagandahang-loob ang tinanggap ko sa amo ko. Niyakap niya ako at nakangiti pa niyang sinabi, “Ayos lang! Alam kong gusto mo lang makatulong."
Pinakitaan naman ng kagandahang-loob ni Jesus si Saulo. Pinapahirapan ni Saulo noon ang mga sumasampalataya kay Jesus. Hinahanap ni Saulo ang mga mananampalataya para ipapatay nang kausapin siya ni Jesus sa daan papuntang Damasco (GAWA 9:1-4). Nang mga panahong iyon, nabulag si Saulo. Pero dahil sa kagandahang-loob ni Jesus, nakakita siyang muli. Inutusan ni Jesus ang Kanyang lingkod na si Ananias para pagalingin si Saulo (TAL. 17).
Marami rin naman ang nangangailangan na mapakitaan ng kagandahang-loob, lalo na ang mga taong magulo ang buhay. Sa halip na sermunan sila, kailangan nilang malaman na handa silang patawarin ng Dios. Hindi nila ito malalaman kung laging masasakit na salita ang maririnig nila. Maipakita nawa nating mga mananampalataya ang kagandahang-loob ng Dios.