“Saan ba dapat nagmumula ang pagbabago, sa panlabas na anyo o sa ating kalooban?” Ang tanong na ito ay may kaugnayan sa pananaw ng mga tao ngayon. Mas gaganda raw ang pananaw natin sa ating sarili kung babaguhin natin ang ating panlabas na anyo gaya ng pag-iiba sa estilo ng buhok o pananamit. Nakakaengganyo ang kaisipang ito para sa mga naghahanap ng madaling paraan para makamit ang inaasam na pagbabago sa buhay. Sa halip na pagtuunan ng panahon na baguhin ang mga nakagawiang mahirap mabago, mas bibigyan na lang daw nila ng pansin ang pagbabago sa panlabas na anyo dahil makikita agad ang epekto nito.
May maganda mang epekto ang pagbabagong ito, hinihikayat naman tayo ng Biblia na saliksikin ang mas mahalagang pagbabagong hindi natin magagawa sa sarili nating pagsisikap. Sinabi ni Pablo sa mga mananampalatayang taga Galacia na kahit nga ang Kautusan ng Dios na naghayag ng mga nais Niyang mangyari ay walang kapangyarihan para baguhin ang buhay ng tao (GAL. 3:19-22). Kailangan ng tao na magtiwala kay Cristo at umasa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu para mapabilang sa pamilya ng Dios (GALACIA 3:27; 5:5). Kung bahagi na tayo ng pamilya ng Dios, mahalaga tayo kay Cristo at mga tagapagmana rin ng mga pangako ng Dios (GALACIA. 3:28-29).
Maaari nating gugulin ang buong panahon sa ating panlabas na anyo. Pero ang pinakamahalagang pagbabago ay ang mabago ang puso natin dahil sa pag-ibig ni Cristo (EFESO 3:17-19).