Habang tumatanda, napapansin kong lalong sumasakit ang mga kasukasuan ko lalo na tuwing tag-lamig. Hindi na katulad ng dati ang lakas ko. Tumatanda na talaga ako.
Kaya nga hinahangaan ko ang matandang si Caleb. Isa siya sa 12 espiyang ipinadala noon ni Moises para manmanan ang Canaan. Ito ang lupaing ipinangako ng Dios sa mga Israelita (BILANG 13-14). Pagkalipas ng maraming taon, maaari nang kunin ni Caleb ang parte niya sa lupain pero marami pang kalaban ang dapat paalisin. Kahit matanda na si Caleb noon, hindi niya ipinaubaya na lang sa mga nakababata ang pakikipaglaban. Nagtitiwala siyang tutulungan siya ng Dios. Sinabi ni Caleb, “Sa tulong ng Panginoon, mapapaalis ko sila sa lupaing iyon ayon sa pangako Niya sa akin” (JOSUE 14:12 ASD).
Nasa isip ni Caleb na tutulungan siya ng Dios kaya lagi siyang handang makipaglaban. Nakatuon siya sa kapangyarihan ng Dios at hindi sa kanyang sarili o maging sa kanyang edad. Alam niyang tutulungan siya ng Dios sa lahat ng dapat niyang gawin.
Marami sa atin kapag nagkaka-edad na ang hindi na naghahangad na makagawa pa ng malalaking bagay. Pero kahit matanda na tayo, marami pa rin tayong magagawa para sa Dios. Dumating man ang mga pangyayari tulad nang kay Caleb, hindi tayo dapat matakot. Magagawa nating magtagumpay sa tulong ng Dios.