Inabangan ng mga tagahanga ng Star Wars sa buong mundo ang serye nitong, “The Last Jedi.” Mula pa noong 1977, pinag-uusapan na kung bakit naging matagumpay ang bawat serye ng pelikulang Star Wars. Ayon sa mamamahayag na si Frank Pallotta, tinatangkilik ng marami ang Star Wars dahil tungkol ito sa pag-asa at kabutihan sa panahon na naghahanap ang mga tao nang maituturing nilang bayani.

Nang isilang si Jesus, sakop ng Roma ang Israel. Umaasa ang mga Israelita sa pagdating ng ipinangakong hari na magliligtas sa kanila. Pero hindi nila kinilala si Jesus bilang hari dahil dumating Siya sa Bethlehem bilang sanggol sa halip na isang bayani gaya ng inaasahan nila. Sinabi ni Apostol Juan, “Pumunta Siya sa Kanyang bayan ngunit hindi Siya tinanggap ng sarili Niyang kababayan” (JUAN 1:11 MBB).

Pumarito si Jesus sa mundo hindi lamang para maging bayani kundi para maging Tagapagligtas. Isinilang Siya upang dalhin ang liwanag ng Dios sa madilim na mundong ito at ibigay ang Kanyang buhay para iligtas sa kaparusahan sa kasalanan ang sinumang magtitiwala sa Kanya. Tinawag Siya ni Juan na kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng biyaya at katotohanan (TAL. 14).

“Ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging anak ng Dios” (TAL. 12 ASD). Si Jesus ang nag-iisang tunay na pag-asa na kailangan ng
mundo.