“Napakalaki talaga ng mundo!” Ito ang nasabi ng asawa ko nang minsang makarating kami sa isang napakalayong lugar. Naisip din namin na napakaliit namin kumpara sa mundo. Pero kung ikukumpara ito sa kalawakan, tila alikabok lang ang mundo.
Kung malaki ang mundo at mas malaki ang kalawakan, gaano naman kaya kalaki ang lumikha ng mga ito? Sinabi sa Biblia, “Sa pamamagitan [ni Jesus] nilalang ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga bagay na hindi nakikita, maging mga trono o mga may kapangyarihan– lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya at para sa Kanya” (COLOSAS 1:16).
Magandang balita ito dahil si Jesus na lumikha ng kalawakan ang siya ring pumarito sa mundo para iligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan. Sinabi ni Jesus bago Siya mamatay, “Sinabi Ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa Akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero tatagan n’yo ang loob n’yo dahil nagtagumpay na Ako laban sa kapangyarihan ng mundo” (JUAN 16:33 ASD).
Kaya, sa pagharap natin sa maliliit o sa malalaki mang pagsubok, humingi tayo ng tulong sa Dios na lumikha ng buong kalawakan. Namatay Siya, muling nabuhay at napagtagumpayan Niya ang lahat ng paghihirap dito sa mundo. Bibigyan Niya rin tayo ng kapayapaan sa panahon ng mga pagsubok sa buhay.