Ilang taon na ang nakakaraan, nadestino ako sa isang liblib at napakalayong lugar. Habang pauwi ako galing sa trabaho, nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa pamilya ko. Magpapasko na kasi noon.
Pag-uwi ko sa tinutuluyan namin, bumungad sa akin ang kakaiba at maningning na Christmas tree na ginawa ng kasama ko. Pinasigla nito ang malungkot na tinutuluyan naming bahay. Kahit sandali lang, naramdaman ko na ako'y nasa sarili kong tahanan.
Nangulila rin si Jacob matapos siyang tumakas sa kanyang kapatid na si Esau. Nagpunta siya sa isang liblib na lugar. Nang makatulog siya, kinausap siya ng Dios sa kanyang panaginip. Pinangakuan siya ng Dios ng isang lugar kung saan mananahan ang kanyang sambahayan. Sinabi ng Dios, “Ibibigay Ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lupaing ito na iyong hinihigaan…Sa pamamagitan mo at ng mga lahi mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo. (GEN. 28:13-14 ASD).
Magmumula sa lahi ni Jacob ang ipinangakong Tagapagligtas na piniling iwan ang Kanyang kalagayan sa langit para mailapit tayo sa Dios. Sinabi ni Jesus sa mga alagad Niya, “Babalik Ako at isasama kayo upang kung nasaan Ako ay naroon din kayo” (JUAN 14:3 ASD).
Nang gabing iyon, habang pinagmamasdan ko ang Christmas tree, hindi ko maiwasang maisip si Jesus na siyang ating ‘Ilaw’ para ipakita ang daan pauwi sa ating tunay na tahanan.