Bago pa man isinulat nina Joseph Mohr at Franz Gruber ang pamaskong awiting “Silent Night,” isinulat na ng manunulat na si Angelus Silesius ang tulang ito: “Sa tahimik na gabi, isinilang ang Anak ng Dios, At ibinalik sa dati ang nawala sa ayos. Naging tahimik ang kaluluwa, isisilang ang Dios at aayusin ang lahat.” Inilathala ni Silesius ang tulang itonoong 1657. Nabuo mula sa tulang ito ang awiting “Could but Thy Soul Become a Silent Night.” Kinanta ito sa pagdiriwang naming sumasampalataya kay Jesus noong Pasko.
Nagkatawang tao ang Dios upang magkaroon tayo ng kaugnayan sa Kanya. Dinanas ni Jesus ang parusang hindi nararapat para sa Kanya para mapanumbalik ang nasira nating relasyon sa Dios. Kaya naisulat ni apostol Pablo ang talatang ito, “Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. Ang lahat ng ito’y gawa ng Dios na nagpanumbalik sa atin sa Kanya sa pamamagitan ni Cristo” (2 COR. 5:17-18 ASD)
Ngayong pasko, maaaring makasama natin ang ating pamilya’t mga kaibigan. Maaari rin naman na salat tayo sa mga bagay na inaasam natin. Pero ano man ang ating sitwasyon, alam nating naparito at isinilang si Jesus para sa atin.