May mga bagay at nakagawian nating gawin ang nagpapaalala sa Pasko. Ang iba sa mga ito ay mula sa iba’t ibang bansa. Tulad ng candy cane na unang ginawa sa Germany, ang bulaklak na poinsettia na mula sa Mexico, ang salitang Noel na galing sa mga Pranses at ang mistletoe na galing sa Inglatera. Salamat sa mga ito dahil lalong naging makulay ang Pasko.
Pero kung nagpapasalamat tayo sa mga ito, higit tayong magpasalamat sa ating napakabuti, maawain at mapagmahal na Dios. Sa Kanya nagmula ang tunay na dahilan ng pagdiriwang natin ng Pasko. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus para sa atin. Ibinalita ng isang anghel sa mga pastol ang pagdating ng regalong ito ng Dios sa sangkatauhan, “Ako’y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan…Isinilang ngayon sa bayan ni David, ang inyong Tagapagligtas” (LUCAS 2:10-11 MBB).
Ngayong Pasko, madarama natin ang tunay na kasiyahan kung itutuon natin ang isip sa sanggol na si Jesus. Naparito Siya para iligtas ang mga tao sa kaparusahan sa kasalanan (MATEO 1:21). Ang pagsilang Niya ay higit pa kaysa sa mga nakagawian natin. Ito ang pinakamahalaga sa pagdiriwang natin ng Pasko. Pasalamatan at purihin natin ang Dios sa napakagandang regalong ipinagkaloob Niya sa atin.