Hindi na inaasahan ni Andrew Cheatle na makikita pa niya ang cellphone niyang nawala sa tabing-dagat. Pagkaraan ng mga isang linggo, tinawagan siya ng mangingisdang si Glen Kerley para ibalik ang cellphone niya. Nakuha ito ni Glen sa loob ng isang malaking isda at nang matuyo, gumana pa rin ito.
May mababasa rin tayong ganoong kuwento sa Biblia. Minsan, tinanong si Pedro ng mga maniningil ng buwis kung nagbabayad ba ng buwis si Jesus. Ginamit ni Jesus ang pagkakataong iyon para turuan si Pedro. Nais ni Jesus na maunawaan ni Pedro na Siya ay hari at ang Kanyang pagiging hari. Nilinaw ni Jesus kay Pedro na walang pananagutang magbayad ng buwis ang hari at ang mga anak nito. Pero ayaw ni Jesus na sumama ang loob ng mga maniningil kaya sinabi Niya kay Pedro na mangisda. Nang makahuli na si Pedro, nakita niya sa bibig ng isda ang perang sapat para ipambayad ng kanilang buwis (MATEO 17:24-27).
Ano kaya ang nais iparating ni Jesus sa pangyayaring iyon? Ipinarating Niya na Siya ang tunay na Hari at kung magtitiwala tayo sa Kanya bilang Hari at Panginoon ng ating buhay, magiging mga anak Niya tayo.
Sa kabila ng maraming alalahanin sa buhay, lagi tayong tutulungan ni Jesus na ating Hari. Sabi naman ng isang dating pastor na si David Pompo, “Kung naglilingkod tayo sa Dios, maaasahan nating ibibigay Niya ang lahat ng ating pangangailangan.”