May isinulat ang manunulat na si Jeff Jacoby tungkol sa mga hula ng mga dalubhasa noon. Naniniwala ang mga tao na tama at mangyayari ang mga sinasabi ng mga dalubhasa. Pero hindi naman nangyari ang mga ito. Kung babalikan nga natin ang kasaysayan tama si Jacoby. May sinabi noong 1928 ang dalubhasa na si Henry Ford na hindi na muling magkakaroon ng digmaan dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng karunungan ng tao. Pero tulad niya at ng iba pang dalubhasa, hindi nagkatotoo ang mga sinabi nila. Nagpapakita ito na may limitasyon ang kakayahan ng mga dalubhasa.
Ipinagmamalaki naman noon ng mga namumuno sa relihiyon at dalubhasa sa Kasulatan na sila ang nakakaalaam kung sino ang darating na Cristo. Pero tanging si Jesus na nagkatawang-tao ang lubos na maaasahan sa Kanyang mga sinabi at higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa sinumang dalubhasa.
Nagbigay naman ng babala si Jesus sa mga dalubhasang iyon. Sinabi Niya, “Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa Akin! Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa Akin upang kayo'y magkaroon ng buhay” (JUAN 5:39-40 MBB).
Ngayong bagong taon, maaaring makarinig na naman tayo ng mga bagong hula mula sa ibang dalubhasa. Maaaring magaganda o masasamang pangyayari ito. Pero hindi natin kailangang mag-alala. Magtiwala tayo kay Jesus na siyang gumagabay at nag-iingat sa atin.