Ang sapatos ng aking tatay ay laging nasa loob ng kuwarto kung saan ako nag-aaral. Araw-araw nitong naipapaalala sa akin kung anong klaseng tao siya.
Nag-aalaga ang tatay ko ng mga pangkarerang kabayo. Masaya akong pinanonood siya at namamangha habang nakasakay siya sa kabayo.
Kaya naman, bilang isang kabataan noon, gusto kong maging tulad ng aking tatay. Nasa 80 taong gulang na ako ngayon, sa tingin ko hindi ko pa rin matutularan ang mga nagawa niya.
Patay na ang aking tatay at alam kong kasama na siya ng Dios. Gayunpaman, kahit wala na si tatay, may isa pa akong Dios Ama sa langit na matutularan. Gusto kong maging tulad Niya. Mapagmahal Siyang Ama at hindi ako mabubuhay sa mundong ito kung hindi dahil sa Kanya. Hindi ko rin mapapantayan o matutularan ang mga ginawa Niya.
Sinabi naman ni Apostol Pedro, “Ang Dios, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob…Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo” (1 PEDRO 5:10 MBB). May kapangyarihan ang Dios na gawin iyan para sa atin (TAL. 11).
Hindi magtatagal at ang lahat ng mga sumasampalataya kay Jesus ay magiging tulad na rin Niya. Sa mundo kasing ito, hindi natin lubos na maipapakita ang mga katangian ng Dios. Pero sa langit, hindi na tayo magkakasala kaya kitang-kita sa atin ang mga katangian ng ating Dios Ama. Ito ang tunay na kagandahang-loob ng Dios sa atin (TAL. 12).