Minsan, tinanong ako ng aking kaibigan kung gusto ko raw bang makita ang laman ng manikang hawak ng kanyang anak. Napaisip ako kung ano ang laman ng manika. Kaya naman, sinabi ko sa kanya na gusto kong makita ang laman nito. Ibinaba ng kaibigan ko ang zipper ng likod ng manika. Dahan-dahan niyang inilabas ang isang maliit na manika. Ito ang manikang mahal na mahal niya, 20 taon na ang nakakalipas. Itinuturing niya itong kayamanan kahit noong bata pa siya.
Itinuturing naman ni apostol Pablo na isang kayamanan ang tungkol sa buhay ni Jesus, ang Kanyang kamatayan at ang muli Niyang pagkabuhay. Isa rin itong katotohanan sa lahat ng mga sumasampalataya kay Jesus.
Ang kayamanang iyon ang nagpapatatag sa mga mananampalataya na humaharap sa matitinding pagsubok. Nang sa gayon, makapagpapatuloy sila sa kanilang paglilingkod. Kaya naman, hinihikayat tayo ni Apostol Pablo na huwag panghihinaan ng loob (2 CORINTO 4:16) dahil tutulungan at palalakasin tayo ng Dios para ating magawa ang Kanyang mga iniuutos.
Tulad ng manika na itinuring na kayamanan, maituturing nating kayamanan ang Magandang Balita na siyang magpapatatag sa ating buhay. Kung makikita ng iba ang ating katatagan sa panahon ng mga pagsubok, maaaring magtanong sila kung ano ang nagpapatatag sa atin. Magiging pagkakataon iyon para maipahayag natin sa iba ang tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus at sa Kanyang iniaalok na kaligtasan sa lahat.