Mahina ang aking pandinig. Kaya naman, nagsusuot ako ng isang gamit na pangtulong sa aking tenga para makarinig ako nang maayos.
Malaking tulong iyon kung iilang tao ang nasa paligid ko. Pero, kapag maraming tao ang nagsasalita, hindi ko na marinig ang taong kausap ko.
Sa atin namang pamumuhay, napa- kaingay o napakarami nating ginagawa kaya hindi natin marinig ang sina- sabi ng Dios. Sinabi ni T.S Eliot na
isang kumakatha ng tula, “Saan ko ba mariringin ang Salita ng Dios? Maririnig ko bang umaalingawngaw ang Kanyang Salita? Malamang hindi rito, walang katahimikan dito.”
Mabuti naman at may kakayahan ang gamit na pangtulong sa aking tenga para piliin ang boses na nais kong marinig. Gayon din naman, magagawa nating marinig ang sinasabi ng Dios. Magagawa natin iyon kung nanaisin nating tumahimik, huminto at pagbulayan ang Kanyang mga sinasabi. Maririnig natin ang Dios kahit ang banayad Niyang tinig (1 HARI 19:11-12).
Nais tayong kausapin ng Dios araw-araw. Tinatawag Niya tayo sa panahon ng ating kalungkutan at pag-iisa. Tinatawag Niya tayo sa panahon ng ating kabiguan at pagkadismaya para damayan tayo.
Pero higit sa lahat, maririnig nating Siyang nagsasalita sa Biblia (1 TESALONICA 2:13). Kung babasahin natin ang Biblia, ikaw mismo ang makakarinig ng Kanyang mga sinasabi. Nais ng Dios na marinig natin ang Kanyang mga sinasabi at maipaalam sa atin na lubos Niya tayong minamahal.