Si Linus ay isa sa mga bida sa komiks na Peanuts. Matalino siya pero mahina ang loob. Kaya naman, may dala siya laging kumot para itago ang kanyang sarili sa tuwing natatakot o pinanghihinaan ng loob. Tulad ni Linus, masasabi kong may mga kinatatakutan at pinanghihinaan din tayo ng loob.
Naranasan din naman ni Apostol Pedro ang matakot at panghinaan ng loob. Noong inaresto si Jesus, matapang na sumunod si Pedro sa kanila. Pero nagsinungaling si Pedro dahil sa takot niya na makilala siya ng mga tao bilang sumasampalataya kay Jesus (JUAN 18:15-26). Nagsalita rin si Pedro ng mga hindi kaayaayang bagay para lang maipagkaila niya ang Panginoong Jesus. Gayon pa man, lubos pa ring ipinadama ni Jesus ang Kanyang pagmamahal kay Pedro (TINGNAN ANG JUAN 21:15-19).
Binigyang-diin ni Pedro sa kanyang sulat sa mga mananampalataya ang naranasan niyang pagmamahal ni Jesus. Pinalakas naman ni Pedro ang mga mananampalatalaya sa pagsasabi, “Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan” (1 PEDRO 4:8).
Sino sa inyo ang nangangailangan ng kumot ng tulad ng kay Linus? Ako kailangan ko, lalo na sa panahon na pinagsisihan ko ang nagawa kong kasalanan. Kailangan kong mabalot ng pagmamahal ni Jesus.
Ibinalot ni Jesus ang Kanyang pagmamahal na parang kumot sa lahat ng mga mananampalataya. Kaya naman, mahalin din natin ang iba.