Minsan, naglathala sa isang pahayagan ang kaibigan ko para bigyang parangal ang kanyang anak. Namatay ang anak niyang si Lindsay sa isang aksidente. Tumatak sa isipan ko ang sinabi niya na makikita sa kahit saang sulok ng bahay nila ang mga larawan ni Lindsay. Pero wala na mismo si Lindsay doon.
Namatay din sa aksidente ang anak kong si Melissa. Kaya sa mga namatayan, kahit may mga larawan sila ng kanilang mahal sa buhay, ang mga ngiting mula mismo sa ating minamahal ay hindi na natin makikita. Nasa puso, alaala at sa mga larawan nalang natin ito makikita.
Pero ipinapaalala naman sa atin ng Biblia na ang mga nagtitiwala kay Jesus tulad nina Lindsay at Melissa ay kapiling ng Dios (2 CORINTO 5:8). Kasama sila ng Dios na hindi man natin nakikita pero alam natin na nandoon Siya sa kahit saang lugar. Wala tayong larawan mismo ng Dios na puwede nating makita araw-araw.
Kaya naman, iisipin mong wala ang Dios sa bawat sulok ng ating bahay. Pero ang totoo, kahit saan ay naroroon ang Dios.
Kahit saan sa bawat sulok ng mundong ito ay naroroon ang Dios. Lagi natin Siyang kasama para gabayan, palakasin ang ating loob at pagmalasakitan. Hindi man natin Siya makita, nariyan lang Siya lagi kasama natin. Kasama natin ang Dios sa bawat pagsubok na ating nararanasan at laging handang tumulong sa atin.