Laging natatakot si Hadassah na bida sa librong A Voice in the Wind na isinulat ni Francine Rivers. Isang batang babaing Judio si Hadassah na sumasampalataya kay Jesus. Alipin siya sa sambahayan ng isang Romano. Kaya naman, natatakot siya na baka pagmalupitan siya dahil sa kanyang pananampalataya. Alam kasi ni Hadassah na kinamumuhian ng mga Romano ang mga mananampalataya, pinapatay o ipinapakain sa mga leon. Magkakaroon kaya ng lakas ng loob si Hadassah para manindigan sa kanyang pananampalataya?
Nangyari nga ang kinatatakutan ni Hadassah, tinanong siya ng kanyang amo at ilang opisyal na Romano. May dalawang pagpipilian si Hadassah. Puwede niyang itanggi na isa siyang mananampalataya ni Jesus o magpakain nalang sa mga leon. Pinili naman ni Hadassah na ipahayag ang kanyang pagtitiwala kay Jesus. Nawala ang kanyang takot at naging matapang sa pagharap sa kamatayan.
Ipinapaalala naman sa atin ng Biblia na maaari tayong makaranas ng mga kalupitan dahil sa paggawa natin sa kung ano ang tama. Maaaring sa pagpapahayag mo ito ng Magandang Balita tungkol kay Jesus o kaya naman, sa pamumuhay mo ng matuwid na hindi sumasang-ayon sa takbo ng mundo. Gayon pa man, hinihikayat tayo ng Biblia na huwag matakot (1 PEDRO 3:14). Sa halip, sambahin ang Panginoon ng buong puso (TAL . 15). Alalahanin natin na noong nanindigan si Hadassah sa kanyang pananampalataya, nagkaroon siya ng tapang na lalo pang magtiwala kay Jesus.
Kung magdedesisyon tayo na magtiwala kay Jesus, tutulungan Niya tayong maging matapang at pawiin ang ating mga kinatatakutan.