Laging tinatanong ng doktor na si Rishi Manchanda ang mga pasyente niya kung saan sila nakatira. Pero, hindi lang ang pangalan ng lugar ang nais malaman ni Dr. Manchanda kundi ang kalagayan ng lugar mismo. Madalas kasi ang mga insekto, amag o usok sa lugar ang dahilan ng sakit ng mga pasyente niya.
Kaya naman, habang binibigyan ng gamot para gumaling ang kanyang pasyente, tinutulungan niya rin silang maging maayos ang lugar na kanilang tinitirhan para hindi na magkasakit.
Tinutulungan din naman ni Jesus ang mga tao na makita ang tunay nilang kailangan habang ginagamot ang mga taong may sakit (MATEO 4:23-24). Nang mangaral si Jesus sa isang bundok, ipinakita Niya sa mga tao na hindi lang paggaling sa pisikal nilang karamdaman ang higit nilang kailangan (5:1-12). Pitong beses na inilarawan ni Jesus ang dapat na nilalaman ng puso at isipan ng isang tao na nagsisimula sa isang maayos na pananaw (TAL . 3-9). Dalawang beses naman Niyang sinabihang mapalad ang mga pinahihirapan dahil mapapabilang sila sa kaharian ng langit (TAL . 10-12).
Napag-isip ako sa sinabi ng Panginoong Jesus. Naitanong ko sa aking sarili kung saan ba ako nakatira? Ano ba ang kalagayan ko? Pinagtutuunan ko lang ba ng pansin ang mga bagay na kailangan ng aking katawan at mga bagay na magpapasaya sa akin? Ninanais ko bang tawaging mapalad tulad ng mga taong pinahihirapan, nagugutom, mahabagin o mga nagnanais ng kapayapaan?