Minsan, nagbigay ng babala ang isang empleyado ng eroplano habang bumibiyahe kami. Sinabi niya na kailangan naming maupo at siguraduhing magseat belt. Dadaan kasi kami sa lugar na kung saan ma- aaring magulo ang loob ng eroplano. At kung hindi kami mauupo at magsiseat belt ay maaari kaming masaktan.
Madalas naman hindi nagbibigay ng babala ang problema tuwing dumarating siya sa ating buhay. Pero gayon
pa man, alam ng Dios ang ating mga pinagdaraanang pagsubok at pinagmamalasakitan Niya tayo. Hinihikayat tayo ng Dios na sabihin natin sa Kanya ang ating mga hinaing, kinatatakutan at sakit na nararamdaman.
Sinabi naman ng Biblia na, “Nadarama rin ng ating Punong Pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din Niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi Siya nagkasala. Kaya huwag tayong magatubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan” (HEBREO 4:15-16).
Sa panahon ng kaguluhan at kabiguan, ang pinakamagandang gagawin ay ang dumalangin sa Dios. Lagi Siyang kasama natin para tulungan tayo. Bibigyan Niya tayo ng kapayapaan sa panahon ng kaguluhan dahil Siya ang makapangyarihang Dios na may kontrol ng lahat. Kaya naman, huwag tayong mag-aatubiling dumalangin sa Dios sa tuwing nahihirapan tayo. Lagi siyang nariyan para tulungan tayong malampasan ang mga pagsubok.