Minsan, nagbangayan ang mga anak ko. Pagkatapos, sabay silang lumapit sa akin at nagsusumbong kung sino ang may kasalanan sa tatalunan nila. Magkahiwalay ko silang kinausap para malaman ko ang totoong nangyari. Nang malaman ko na parehas silang may kasalanan, parehas ko silang pinarusahan. Tinanong ko sila kung ano ang nais nilang iparusa sa isa’t isa. Parehas naman silang nagbigay ng iniisip nilang nararapat parusa sa isa’t isa. Pero nagulat sila ng sabihin ko na ang iniisip nilang parusa sa isa’t isa ay sila ang tatanggap nito.
Sinabi nila sa akin na hindi raw patas ang ginawa ko. Iniisip kasi ng isa kong anak na nararapat talaga sa kapatid niya ang parusang sinasabi niya na gawin ko. Pero ang nangyari siya na ngayon ang tumanggap ng parusa na naisip niya.
Naranasan ng mga anak ko ang pagpaparusa na walang awa na kung saan pinaaalalahanan tayo ng Dios na hindi natin dapat gawin (SANTIAGO 2:13). Ipinapaalala naman ni Santiago na nais ng Dios na mahalin natin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili kaysa sa magtangi tayo ng tao o ang ating sarili (TAL . 8). Itinuturo rin ni Santiago na kumilos tayo bilang mga pinatawad at binigyan ng buhay ng Dios. Sa gayon, magagawa rin nating maipadama sa iba ang kapatawarang ating natanggap sa Dios.
Ibinibigay ng Dios ang Kanyang hindi masukat na kaawaan. Kaya naman, lagi nating alalahanin ang habag at kaawaan na ipinapadama ng Dios sa atin at ipadama rin natin ito sa iba.