Sa maraming taon na lumipas, nagtatayo pa rin ang mga tao ng kanilang bahay sa mga lugar na madalas gumuho ang lupa. Ang ilan sa mga taong iyon ay alam ang puwede talagang gumuho ang lupa na pinagtayuan nila ng bahay. Pero ang iba nama’y hindi sila nasabihan. Sinabi naman ng isang pahayagan na The Gazette, “40 taon nang nagbibigay ng babala ang mga dalubhasa sa lupa at maging ang gobyerno pero binabalewala lang nila.” Makikita nating napakagaganda ng mga bahay pero ang lupang kinatitirikan puwedeng gumuho ng anumang oras.
Maraming Israelita naman noon ang binabalewala ang babala ng Dios na huwag silang sasamba sa mga diosdiosan. Maraming nakasulat sa Lumang Tipan ng Biblia na nangyaring trahedya sa mga Israelita dahil sa kanilang pagsuway sa Dios. Gayon pa man, kahit matigas ang ulo ng mga Israelita at binabalewala nila ang paaalala ng Dios, patuloy pa rin sa pagkalinga ang Dios sa kanila. Pinapatawad pa sila ng Dios kapag nagbalik-loob sila at sumunod sa nais ng Dios.
Sinabi naman ni Propeta Isaias, “Siya ang magpapatatag sa bansa, inililigtas Niya ang Kanyang bayan, at binibigyan ng karunungan at kaalaman; ang pangunahing yaman nila, si Yahweh'Y sundin at igalang” (ISAIAS 33:6 MBB).
Tulad noon sa panahon ng mga Israelita, binibigyan tayo ng pagkakataon ng Dios kung saan natin itatayo ang pundasyon ng ating buhay. Maaari nating sundin ang sariling pagnanasa o magtiwala kay Jesus bilang ating Panginoon na Tagapagligtas.