Nagkakaroon ng masamang epekto sa ating katawan ang pagkatakot o pagkasindak. May pagkakataon na sumasakit ang ating tiyan, kumakabog ang ating dibdib o kaya naman nahihirapan tayong huminga. Palatandaan din ito na nababalisa ang ating katawan.
Nakaranas din naman ng pagkatakot ang mga alagad ni Jesus. Matapos pakainin ni Jesus ang 5,000 katao, pinapunta ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa Betsaida. Nais kasing manalangin ni Jesus ng mag-isa. Nang sumapit ang gabi, may nakitang naglalakad sa tubig ang alagad habang nagsasagwan sila. Inisip nila na isa iyong multo kaya labis silang natakot (MARCOS 6:49-50).
Pero sinabi sa kanila ni Jesus na huwag silang matakot at lakasan ang kanilang loob. Nang makasakay na si Jesus sa bangka naging payapa ang paligid at maayos silang nakarating sa pampang. Iniisip ko ang pakiramdam ng mga alagad nang mawala ang kanilang takot dahil sa kapayapaang ibinibigay ni Jesus.
Sa panahon na nahihirapan na tayo dahil sa ating pagkabalisa, makakaasa tayo sa tulong ng Panginoong Jesus. Palalakasin Niya ang ating loob para malampasan ang ating pagkabalisa. “Bibigyan [tayo] ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso [natin] at pag-iisip dahil [tayo’y] nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao” (FILIPOS 4:7).