Ayon kay Propeta Isaias ang paghihintay sa Panginoon ay ang umasa ng buong pagtitiwala na gagawin ng Dios ang Kanyang mga ipinangako. Naghihintay kasi tayo sa pagliligtas sa ating mahirap na kalagayan.
Pero alam naman natin na tiyak na mangyayari ito sa hinaharap. Sinisigurado rin naman ito sa atin ni Jesus. Sinabi Niya, “Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios” (MATEO 5:4).
Makakapamuhay naman tayo ng may kagalakan sa mundong ito. Alam kasi natin na may naghihintay na magandang kalagayan para sa lahat ng nagtitiwala kay Jesus. Kaya kahit napapagod, bibigyan tayo ng Dios ng lakas. Patuloy tayong makapaglilingkod sa Dios nang hindi nanghihina. Ma- gagalak ang ating buong kaluluwa at magsasaya ang ating katawan. Ito ang pag-asang ating inaasahan sa darating na panahon.
Gayon pa man, ang mga katotohanang mangyayari sa hinaharap ay maaari rin nating maranasan ngayon. Maaari tayong maging matatag, mapagtiis at magalak sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan. Maaari rin tayong maging mabait, payapa at may lakas ng loob. Magagawa naman nating magmalasakit sa kapakapanan ng iba at laging handang palakasin ang loob ng ating kapwa. Maihahanda natin ang ating sarili na isabuhay ang mga katangian ni Jesus hanggang dumating ang araw ng pagpunta natin sa langit.