Pag-uwi ni Archie mula sa isang bakasyon, nagulat siya nang makita niya na may nakatayo nang bakod sa kanyang lupain. Sinubukang kausapin ni Archie ang kanyang kapitbahay para tanggalin ang bakod pero hindi ito pumayag. Puwedeng humingi ng tulong si Archie sa mga awtoridad para tanggalin ang naka tayong bakod sa kanyang lupain pero hindi niya ito ginawa. Hinayaan niyang nakatayo pa rin ang bakod para ipakita ang kabutihan ng Dios sa pamamagitan niya.
“Mahina at duwag si Archie!” Yan ang isa sa puwedeng sabihin ng mga tao sa kanya. Pero pinili niya ang mas mabuting paraan.
Sa Biblia naman ay may kuwento tungkol kina Abraham at Lot na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa kanilang ari-arian. “Dahil dito, nagaway-away ang mga tagapagbantay ng mga hayop nila. (Nang panahong iyon, ang mga Cananeo at mga Perezeo ay nakatira sa lupaing iyon)” (GENESIS 13:7). Pinili ni Lot ang magandang bahagi ng lupain pero hindi naging maganda ang bunga nito. Napunta kay Abraham ang natirang lupain pero ipinagkaloob sa Kanya ng Dios ang lupang pangako (TAL . 12-17).
Mayroon tayong mga karapatan at maaari nating gamitin at ipaglaban ang mga ito. Sa Biblia ay ipinaglaban ni Pablo ang kanyang karapatan nang pakitunguhan siya nang hindi maganda ng Sanhedrin (GAWA 23:1-3). Pero maaari tayong pumili ng mas mabuti at tamang paraan para ipaglaban ang ating mga karapatan. Ito ang sinasabi ng Biblia na “kababaang-loob” at hindi kahinaan ng loob. Ang kalakasan natin ay nasa Panginoon.