Ang humidifier ay isang gamit na naglilinis ng hanging pumapasok sa bahay. Habang bumibili ako nito ay napansin ko ang isang matandang babae na pabalikbalik na naglalakad sa mga estante. Naisip ko na baka parehas kami ng bibilhin kaya umurong ako para mas makapili siya. Nakausap ko ang matandang babae. Napagkuwentuhan namin ang tungkol sa flu virus na nagdulot ng kanyang ubo at sakit ng ulo.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang nagalit ang matandang babae dahil sa pinagmulan ng virus na ito. Umalis ang babae sa tindahan na puno ng galit at pagkabigo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mabawasan ang nararamdaman niyang sakit at galit.
Ang ikalawang hari ng Israel na si David ay nagpahayag din ng kanyang galit at pagkabigo sa Dios. Pero alam ni David na hindi lamang nakinig ang Dios sa kanyang mga daing. Gumawa rin ang Dios ng paraan para tulungan siya sa kanyang paghihirap. Sinulat ni David sa Salmo 61, “Mula sa dulo ng lupa ay tumatawag ako sa Iyo, kapag nalulupaypay ang aking puso. Ihatid Mo ako sa bato na higit na mataas kaysa sa akin” (TAL . 2). Ang Dios ang kanyang “kanlungan” (TAL . 3) at isang matibay na bato na kanyang palaging matatakbuhan.
Tulad ni David, nararapat din tayong lumapit at tumawag sa Dios sa tuwing nakakaranas tayo ng mga pasakit sa ating buhay. Maaari din nating mahikayat ang iba na lumapit sa Dios na maituturing na “bato na higit na mataas kaysa sa atin.” Makakaasa tayo na papawiin ng Dios ang lahat ng ating alalahanin at bibigyan Niya tayo ng kapayapaan sa tuwing lalapit tayo sa Kanya.