Iba’t ibang paraan ang ipinapakita ng mga tagahanga para suportahan ang kanilang paboritong koponan. Ipinapakita nila ang kanilang katapatan at paghanga sa pamamgitan ng pagsusuot ng mga damit ng kanilang paboritong koponan, pagsuporta sa social media at palaging pag-uusap ng tungkol sa kanilang koponan. Ganito rin ang ginagawa kong pagsuporta.
Ang pagsuporta natin sa mga paborito nating koponan sa larangan ng palakasan ay nagpapaalala sa atin kung paano rin tayo dapat maging tapat sa ating Dios.
Sa Biblia ay sinabi ni David na, “Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras” (SALMO 34:1), “Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa Kanya” (TAL . 1), at “Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon” (TAL . 2). Pero may mga pagkakataon sa buhay natin na hindi tayo nagiging matapat sa Dios. Mas pinahahalagahan natin ang mga bagay na makakalugod at makakabuti para sa ating mga sarili. Mas pinupuri natin ang mga bagay na nasa mundo kaysa ang dakila Niyang ginawa para sa atin.
Hindi naman isang masamang gawain na humanga at maging masaya tayo para sa ating mga koponan, mga ninanais natin, at nakamtan sa ating buhay. Pero nararapat na ibalik natin ang tapat na papuri at pasasalamat sa Dios na nagkaloob sa atin ng lahat. “Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon, at itaas natin ang Kanyang pangalan” (TAL . 3).