“Nalaman ko kung ano ang dakilang magagawa ng panalangin nang magkaroon ng sakit ang kapatid ko at nagdasal kayong lahat para sa kanya. Isang malaking kaaliwan ang inyong mga panalangin!” Naluluha si Laura habang nagpapasalamat dahil ipinanalangin namin ang kapatid niyang may kanser. Sinabi pa ni Laura, “Ang mga panalangin ninyo ang nagbigay kalakasan sa kapatid ko at sa aming pamilya habang kami ay humaharap sa matinding problema.”
Isa sa magandang paraan para maipakita ang pagmamahal natin sa iba ay sa pamamagitan ng pananalangin. Si Jesus ang halimbawa natin tungkol sa pananalangin. Sinasabi sa Bagong Tipan na palaging ipinanalangin ni Jesus ang ibang tao. Namamagitan din Siya para sa atin at sa Kanyang Ama sa pananalangin.
Sinabi sa Roma 8:34 na si Jesus “ang Siya ring nasa kanan ng Dios na siya ring namamagitan para sa atin.” Matapos ialay ni Jesus ang Kanyang buhay para sa atin ay patuloy pa rin Niyang ipinapadama ang Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng pananalangin para sa ating lahat.
Lahat nawa tayo ay sumunod sa mabuting halimbawa ni Jesus tungkol sa pananalangin. Ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating kapwa sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila. Maaari din nating ipanalangin sa Dios na tulungan Niya tayo para ipagdasal ang ating kapwa. Ang Panginoon nawa ang magbigay sa atin ng kalakasan para maipanalangin din ang iba.