Nakasanayan na natin ang magbigay ng puna sa ating paligid. Si DeWitt Jones ay isang photographer ng National Geographic. Ginagamit niya ang propesyon niya para ipakita ang kagandahan ng mundo. Sa pamamagitan ng kamera niya ay kumukuha siya ng larawan ng mga magagandang bagay sa paligid niya.
Kung meron mang tao sa mundo na nararapat magalit sa nangyayari sa kanyang paligid ay walang iba kundi si Job na mababasa natin sa Biblia. Napakayaman ni Job pero lahat ng bagay na pagmamay-ari niya ay nawala sa kanya. Namatay ang kanyang buong pamilya. Tinalikuran din siya ng kanyang mga kaibigan. Sinabi pa nila na kaya nahihirapan si Job sa buhay niya ay dahil may kasalanan siyang itinatago sa Dios. Nanalangin at tumawag sa Dios si Job para humingi ng tulong pero nanatiling tahimik ang Dios.
Sa kabila ng kalungkutan na nararanasan ni Job ay ipinaalala sa kanya ng Dios ang Kanyang kabutihan. Hinayaan ng Dios na tumingin si Job sa kanyang paligid para makita at mapagmasdan ang mga dakilang likha ng Dios (JOB 38:2-4).
Tayo rin naman ay inaanyayahan ng Dios na tumingin at mamangha sa mga dakilang likha Niya. Nais Niya na sa lahat ng makikita natin tulad ng mga hayop, halaman, at mga tao sa ating paligid ay maalala natin ang Kanyang walang hanggang kabutihan at paggabay sa atin.