Ngayon ang unang araw ng tagsibol sa hilagang bahagi ng mundo. Kasabay nito ay nagsisimula naman ang panahon ng taglagas sa bansang Australia. Kasalukuyang umaga ang oras sa mga bansang malapit sa ekwador. Samantalang gabi naman sa ibang bahagi ng mundo.
Ang pagbabago ng panahon ay mahalaga sa maraming tao. Marami ang nag-aabang sa pagpapalit ng panahon. Inaasam nila na may mabuting hatid ang bagong panahon na darating. Umaasa sila na may dalang bagong pag-asa ang pagpapalit ng panahon.
Nakararanas din tayo ng iba’t ibang panahon sa ating buhay na hindi tungkol sa klima. Sinabi ng may-akda ng aklat ng Mangangaral na mayroong panahon para sa lahat ng bagay. May itinadhana ang Dios na mangyari sa takdang panahon.
Tulad natin, ang mga tao rin naman sa Biblia ay nakaranas ng mga pagbabago sa kanilang mga buhay. Si Moises na nanguna sa mga Israelita habang nasa ilang sa loob ng mahabang panahon ay ipinaubaya na ang pamumuno kay Josue (DEUTERONOMIO 31:2). Si Pablo naman ay malungkot na nabilanggo sa Roma. Nais niyang siya ay dalawin para mabawasan ang kanyang lungkot. Pero naisip ni Pablo na kasama niya ang Dios at walang dahilan para siya ay malumbay (2 TIMOTEO 4:17).
Matuto rin tayong magpasalamat sa Dios kahit ano pa man ang nararanasan natin sa ating buhay. Malungkot man o masayang pangyayari ang dala ng panahon, matagpuan nawa tayong nagpapasalamat at nagpupuri sa Kanya.