Nagpadala ng mensahe ang anak ko. Nais niya malaman kung paano ginagawa ang paboritong cake ng lola ko. Habang hinahanap ko ang listahan ng mga kakailanganin sa pagluluto, napansin ko ang sulat kamay ng aking lola. Nakita ko rin ang ibang impormasyon tungkol sa lulutuin na isinulat naman ng nanay ko. Napagtanto ko na maisasalin na sa ika-apat na henerasyon ang paggawa ng cake.
Ano pa kayang mga bagay ang maaari kong ipamana sa anak at apo ko? Maliban sa pagluluto, maibabahagi ko ba sa mga susunod na henerasyon ang pananampalataya ko at ng lola ko? Makikita kaya sa buhay ng anak ko at magiging apo ko ang bunga ng aming pananampalataya sa Dios?
Sa Salmo 79 ay may nasulat kung paano nakalimutan ng Israel ang kanilang pagtitiwala sa Dios. Nagmakaawa ang sumulat ng Awit sa Dios na iligtas ang kanilang ayan mula sa kasamaan at ibalik muli sa kanila ang Jerusalem. Nangako siya na kapag ipinagkaloob ito ng Dios ay magiging tapat muli sila sa Dios. “At kaming mga mamamayan, na Inyong inaalagaan na gaya ng mga tupa sa Inyong pastulan ay magpapasalamat sa Inyo magpakailanman. Purihin Kayo ng walang hanggan” (TAL . 13).
Masaya kong ibinahagi sa anak ko ang paraan ng paggawa ng keyk. Alam ko na maipapasa ko ang pamana ng lola ko sa kanya. Ipinanalangin ko rin naman sa Dios na maibahagi ko sa sususnod na henerasyon ang isang mahalagang bagay at ito ang tunay na pananampalataya sa buhay na Dios.