Ilang taon na ang nakalipas mula nang magkaroon ng kanser si Ruth. Nahihirapan siya kumain, uminom, at lumunok dahil sa kanyang karamdaman. Kinailangan niyang sumailalim sa maraming operasyon at gamutan para gumaling. Pero sa kabila nito ay nanatili siyang matatag.
Patuloy pa ring nagpapasalamat si Ruth sa Dios sa kabila ng kanyang karamdaman. Matatag ang kanyang pananampalataya at dalisay ang kanyang kaligayahan. Umaasa siya sa araw-araw na paggabay ng Dios. Malaki ang tiwala niya na didinggin ng Panginoon ang kanyang panalangin sa takdang panahon. Mayroon siyang isang pambihirang pananampalataya.
Ipinaliwanag ni Ruth ang dahilan ng kanyang matibay na pananampalataya. Sinabi niya na tunay na mapagkakatiwalaan ang Dios. Tumutupad Siya sa Kanyang mga pangako sa tamang panahon. Nagtitiwala si Ruth na papagalingin siya ng Dios. Ang pananampalatayang ito rin naman ay katulad ng pagtititwala ng mga Isarelita sa Dios (ISAIAS 25:1). Nagtitiwala ang Israel na ililigtas sila ng Dios mula sa kanilang mga kaaway (TAL . 2), papawiin ang kanilang mga luha, at ibabangon mula sa kanilang pagkalugmok (TAL . 8).
Tumugon ang Dios sa panalangin ng mga Israelita. Siya ang kanilang naging sandalan (TAL . 4) habang naghihintay sila ng kaligtasan. Pinagkalooban sila ng Dios ng kalakasan at katiyakan na malalampasan nila ang kanilang mga suliranin.
Dalawang pangako ng Dios ang pinanghahawakan natinang pangako ng pagliligtas at pangako ng pagkakaloob ng kaaliwan, kalakasan at kanlungan sa lahat ng pagkakataon.