Sa tuwing sinusubukan kong ayusin ang mga sirang gamit sa bahay namin ay nauuwi lamang ito sa paghanap ko ng ibang tao para ayusin ito. Pero nitong nakaraan ay matagumpay kong naayos ang isang gamit sa bahay. Pinapanuod ko ang isang video habang sinusundan ko ang bawat hakbang at halimbawa para maayos ang sirang gamit.
Si Pablo rin naman ay naging mabuting halimbawa kay Timoteo. Sumulat si Pablo kay Timoteo noong siya ay nasa bilangguan sa Roma. “Alam mo lahat ang itinuturo mo, ang aking pamumuhay, layunin, pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at pagtitiis. Alam mo rin ang mga dinanas kong pag-uusig at paghihirap” (2 TIMOTEO 3:10-11). Sinabi rin ni Pablo kay Timoteo, “Magpatuloy ka sa mga bagay na natutunan mo at pinanaligan, dahil alam mo kung kanino mo ito natutunan. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan” (TAL . 14-15).
Isang mabuting halimbawa ang buhay ni Pablo. Ang ating mga buhay din naman ay dapat nakaayon sa nais ng Dios. Pinaalalahanan ni Pablo si Timoteo na ang salita ng Dios ay makapangyarihan para turuan tayong sumunod sa gusto ng Dios para sa atin.
Nararapat nating pasalamatan ang mga taong tumutulong para lumago ang ating pananampalataya sa Dios. Tularan din natin ang kanilang mabubuting halimbawa para maging pagpapala sa iba.