Nagbabasa ako ngayon ng mga libro tungkol sa pagiipon. Napansin ko na parang pare-pareho ang sinasabi ng karamihan sa mga aklat. Ang pangunahing dahilan daw kung bakit nag-iipon ang isang tao ay para maging milyonaryo siya sa hinaharap. Pero may isang libro na iba ang mungkahi. Sabi sa aklat, ang pamumuhay ng simple ay kinakailangan para maging mayaman. Idinagdag din ng libro na ito na kung kinakailangan mo ng mararangyang bagay para sumaya ka ay “hindi mo naipapamuhay ang buhay mo ng may tunay na kaligayahan.”
Dahil sa mga aklat na ito ay naalala ko ang sinabi ni Jesus. Tinanong si Jesus ng isang lalaki na nais nang makuha ang bahagi ng kanyang mana. Sa halip na maawa si Jesus sa kanya ay nagbigay Siya ng babala tungkol sa kasakiman. Sinabi ni Jesus na “ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari” (LUCAS 12:14-15).
Ikinuwento rin ni Jesus ang tungkol sa isang mayamang lalaki na nais mag-imbak ng maraming ari-arian at mamuhay nang marangya. Hindi napakinabangan ng lalaki ang mga naipon niya dahil namatay din siya ng gabing iyon (TAL . 16-20).
Pinapaalalahanan tayo ni Jesus tungkol sa tamang motibo sa pag-iipon ng ating mga kayamanan sa lupa. Nararapat na nakatuon ang ating mga puso sa nais ng Dios na mas kilalanin natin Siya at paglingkuran natin ang iba. Huwag lamang ang sarili nating nais ang ating isipin (TAL . 29-31). Mas magiging masaya at makabuluhan ang ating mga buhay kung tayo ay mamumuhay ng para sa Dios at para din sa iba (TAL . 32-34).