Nagulat ako nang makita ko na may mga dilaw na bulaklak na tumubo malapit sa aming bahay. Anim na dilaw na mga bulaklak sa pagitan ng dalawang malalaking bato ang nakita kong namumukadkad. Hindi ko itinanim, diniligan, at inalagaan ang mga ito kaya nagtataka ako kung bakit may tumubong magagandang bulaklak sa aming bakuran.
Si Jesus naman ay nagbigay ng ilustrasyon tungkol sa paglago sa pagkakakilala sa Kanya. Inihambing ni Jesus ang kaharian ng Dios sa isang magsasaka na nagtatapon ng mga buto sa kanyang lupain (MARCOS 4:26).
Ang nagtapon ng mga buto sa lupa ay may kakayahan para mag-alaga sa kanyang mga pananim. Pero sinabi ni Jesus na tutubo ang mga buto kahit anong mangyari (TAL . 27-28). Ang may-ari ng lupa ay nakinabang mula sa mga tumubong mga halaman (TAL . 29). Ang pagtubo ng mga halaman ay hindi nakadepende sa ginawa ng magsasaka o sa magandang lupa.
Ang pagtubo ng mga buto sa kuwento ni Jesus ay tulad din ng pagtubo ng mga bulaklak sa bakuran ko. Tumubo at lumaki ang mga ito dahil sa kapangyarihan ng Dios. Ang ating paglagong espirituwal ay hindi nakabatay sa sarili nating kalakasan at kakayanan. Lumalalaim ang ating pagkakilala at pananampalataya sa Dios dahil sa Kanya. Nais ng Dios na bigyan natin Siyang ng papuri, pasasalamat, at paglilingkod sa lahat ng Kanyang nilikha at ginawa para sa atin.