Sa isinulat na aklat ni Lewis Caroll na Alice in Wonderland, sinabi ni Alice, “Hanggang kailan tatagal ang walang hanggan? Sabi naman ni White Rabbit, Minsan, isang segundo lang.”
Ganoon ang aming naramdaman noong namatay ang kapatid kong si David. Nang ililibing na siya, mas tumindi pa ang aming pagdadalamhati at pangungulila. Parang tatagal ng magpakailanman ang bawat segundo.
May inawit naman si Haring David tungkol sa kanyang nararamdaman. Sinabi niya, “Panginoon, hanggang kailan Nʼyo ako kalilimutan? Kalilimutan Nʼyo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba Kayo magtatago sa akin? Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko?...Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway? (SALMO 13:1-2). Sa mga talatang ito, apat na beses na tinanong ni David ang Dios ng ‘hanggang kailan’. Minsan, para bang hindi na matatapos ang mga pasakit sa ating buhay.
Gayon pa man, sa mga ganitong pasakit sa buhay, makikita ang pagkilos at pagmamalasakit ng Dios sa atin. Tulad ni Haring David, maipagkakatiwala natin sa Dios ang mga pangungulila at dalamhati na ating nararamdaman. Alalahanin natin na hinding-hindi tayo iiwan o pababayaan man ng Dios (HEBREO 13:5). Alam na alam din ito ng mga sumulat ng Awit. Kaya naman nasabi nila, “Panginoon, naniniwala po ako na mahal Nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas Nʼyo ako” (SALMO 13:5).
Sa ating tila walang katapusang paghihirap, umasa tayo sa pagmamahal ng Dios na Siya mismo ang tutulong sa atin. Magagawa nating magalak kasama ang Dios.