Nang katatapos ko pa lamang ng kolehiyo, nagpasya akong magtipid. Ipinagkakasya ko ang aking pera na nakalaan para sa buong linggo. Minsan, namili ako. Nagkulang ang pera ko sa mga kinuha kong dapat bilhin. Kaya naman, sinabi ko sa kahera na iiwan na lang ang iba kapag hindi na sakto sa pera ko. Nabili ko naman ang lahat, maliban sa isang balot ng paminta.
Nang pauwi na ako at nakasakay sa aking kotse, may isang lalaki ang nagbigay sa akin ng isang balot ng paminta. Pero agad siyang umalis bago pa man ako makapagpasalamat.
Naaantig pa rin ang aking damdamin kapag naaalala ko ang ginawang pagtulong ng lalaki. Sumasagi rin sa isip ko ang mga sinabi ni Jesus sa Mateo 6. Itinuro doon ni Jesus na huwag nilang tularan ang taong ipinapamalita pa sa iba ang ginawang pagtulong sa kapwa (tAl. 2). Sa halip, hinikayat Niya sila na “Kung magbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipaalam kahit sa pinakamatalik nʼyong kaibigan” (tAlAtA 3).
Tulad ng kahanga-hangang kabutihan na ipinakita ng lalaki, dapat hindi tayo naghihintay na mapapurihan pa sa ginawa nating pagtulong sa kapwa. Tumutulong tayo para ibahagi sa iba ang pagpapalang tinatanggap natin sa Dios (2 Corinto 9: 6-11). Sa pagtulong natin sa kapwa, sikapin nating hindi na ito ipaalam sa iba. Sa gayon, mapapasalamatan nila ang Dios na siyang nararapat na tumanggap nito (tAlAtA 11).