Nalaman ng atletang si Ashley Liew na nagkamali pala ng inikutan ang mga kapwa niya atleta kaya nahuhuli ang mga ito. Maaari na sana niyang samantalahin ang pagkakataon para manalo pero naisip niya na hindi ito tunay na pagkapanalo. Nais niyang manalo dahil mas mabilis siya at hindi dahil nagkamali ang mga kasama niya. Dahil dito, binagalan niya ang takbo upang makahabol ang kanyang mga kalaban.
Sa huli, natalo siya at hindi nakapag-uwi ng medalya. Gayon pa man, panalo siya sa puso ng kanyang mga kababayan. Nagkamit din siya ng pandaigdigang parangal sa pagiging patas sa laro. Marami tuloy ang nagtatanong kay Ashley kung bakit niya iyon nagawa. Makikita sa kanyang ginawa na isa siyang tunay na sumasampalataya kay Jesus.
Nakahikayat sa akin ang ginawa ni Ashley na ipahayag ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga ginagawa. Mapapapurihan natin ang Dios kahit na sa maliliit na pagpapakita ng kabutihan, at pagpapatawad sa kapwa. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, “Magpakita ka ng mabuting halimbawa sa lahat ng bagay…Tiyakin mong tama ang iyong pananalita at walang maipipintas dito” (TITO 2:7-8).
Ang ating mabubuting ginagawa sa ating kapwa ay maaaring magpakita sa buong mundo na naiiba ang ating pamumuhay sa kanila dahil sa Banal na Espiritu na kumikilos sa atin. Ipinapadama sa atin ng Dios ang Kanyang kagandahang-loob nang sa gayon, mamuhay tayo ng kalugod-lugod sa Kanya (TAL. 11-12).