Sumikat si Susannah Cibber dahil sa kanyang galing sa pag-awit pero nakilala rin siya dahil sa mga eskandalong kinasangkutan niya. Kaya naman, nang itanghal ang Handel’s Messiah sa Dublin noong 1742, marami ang hindi naging masaya na kasama siya sa pagtatanghal.
Sa pagtatanghal ni Cibber, inawit niya ang bahaging ito na tungkol kay Jesus, “Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan” (ISAIAS 53:3 ABAB). Ang mga salitang iyan ang nakahikayat kay Pastor Patrick Delany para ipaalam na pinatawad na ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan ni Cibber.
Makikita natin na may kaugnayan ang buhay ni Cibber sa nais iparating ng kanyang inawit. Hinamak si Cibber dahil sa kanyang mga kinasangkutan na kasalanan. Hinamak at nagdusa rin naman ang Panginoong Jesus dahil sa ating mga kasalanan. Sinabi ni Propeta Isaias, “Ang tapat Kong lingkod na lubos Kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami at alang-alang sa Kanya sila'y Aking patatawarin” (TAL. 11 MBB).
Gayon din naman, makikita rin ang kaugnayan natin kay Jesus. Kung tulad man tayo ng mga taong humamak kay Cibber o maging tulad mismo ni Cibber, lahat tayo ay kailangang magsisi at magtiwala kay Jesus. Sa gayon, makakatanggap tayo ng kapatawaran sa Dios. Maaayos muli ang ating nasirang relasyon sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.
Sa ginawa ni Jesus, pinatawad ng Dios ang ating mga kasalanan