Noong ako ay 13 taong gulang, ang aming paaralan ay inatasan kaming kumuha ng mga asignatura katulad ng home economics, art, choir at pagkakarpintero. Sa unang araw ko sa pagkanta sa choir, tinawag ng guro ang bawat estudyante sa harap ng piano para marinig ang kanilang mga boses at inilagay sa kuwarto na angkop sa klase ng kanilang boses. Noong ako na ang isasalang, kumanta ako at ilang beses siyang tumugtog, ngunit hindi ako dinala sa mga kuwarto. Sa halip, maka-ilang beses siyang tumugtog, dinala niya ako sa counseling office para humanap ng ibang asignatura na kukunin. Simula noon, pakiramdam ko ay hindi na dapat ako kumanta, ang boses ko ay hindi na dapat pang mapakinggan.
Dinala ko sa aking isipan ang nangyari sa aking iyon mahigit na isang dekada hanggang sa mabasa ko ang Awit 98. Inimbita ng sumulat ang mga babasa sa pasimulang, “Kumanta para sa Dios” (AWIT 98:1).
Ang dahilan ng pagkanta ay hindi dahil sa kalidad ng boses; Siya ay nagagalak sa awit ng pasasalamat at papuri ng Kanyang mga anak. Sa halip, tayo ay iniimbitang kumanta dahil sa mga kamangha-manghang gawa ng Dios (TAL .1).
Ang sumulat ay nagbigay ng dalawang dahilan sa pagpupuri sa Dios sa pagkanta at sa pag-uugali: Ang Kanyang pagliligtas sa atin at ang Kanyang patuloy na katapatan sa ating mga buhay. Sa mga mang-aawit ng Dios, lahat tayo ay may lugar upang umawit dahil sa mga dakilang ginawa Niya sa ating buhay.