Ang mga siyentipiko ay mabusisi pagdating sa oras. Sa pagtatapos ng 2016, ang mga tao sa Goddard Space Flight Center in Maryland ay nagdagdag ng isang segundo sa taon. Kung ang tingin ninyo ay nadagdagan ang taon ng kaunti kaysa sa dati, tama kayo.
Bakit nila ginawa iyon? Dahil ang pag-ikot ng mundo ay bumabagal sa panahon, ang taon ay bahagyang humaba. Nang subaybayan ng mga siyentipiko ang paglunsad ng mga gamit sa space, nakuha nila ang katumpakan hanggang sa pinakamaliit na segundo. Ito ay “para makasigurado na ang lahat ay tama," sabi ng isa sa mga siyentipiko.
Para sa halos lahat sa atin, ang segundong nadagdag o nawala ay hindi malaking bagay. Ngunit ayon sa Salita ng Dios, ang ating oras at kung paano natin gamitin ito ay mahalaga. Halimbawa, pinaalalahanan tayo ni Pablo sa 1 Corinto 7:29 na “ang oras ay maikli.” Ang oras na para sa gawain ng Dios ay limitado lamang, kaya kailangan natin itong gamitin nang may katalinuhan. Hinikayat niya tayong “gamitin nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon” (EFESO 5:16).
Hindi naman ibig sabihin nito na kailangan nating bilangin ang bawat segundo katulad ng mga siyentipiko. Pero kung pagbubulayan natin ang buhay ng isang taong malapit nang mamatay, maipapaalala nito sa atin na gamitin ang oras sa mahalagang bagay (AWIT 39:4).