“Tanggalin ang pagpapadalos-dalos.” Nang sabihin sa akin ng dalawang kaibigan ko ang kasabihan ng matalinong si Dallas Williard, alam ko na kailangan kong gawin iyon. Nasaan ako? Nagpapaikot-ikot ako, nagsasayang lang ng oras at ng lakas. Ang mas mahalaga ay saan ako nagmamadali at hindi humihingi sa Dios ng tulong at gabay? Dumaan ang ilang linggo at buwan, naalala ko ang mga salitang iyon at ibinalik ko ang pagtuon sa Dios at sa Kanyang mga salita. Ipinaalala ko sa aking sarili na magtiwala sa Kanya, kaysa sa magtiwala sa sarili kong paraan.
Higit sa lahat, ang magmadali ay taliwas sa “perpektong kapayapaan” na sinasabi ni Isaias. Ang Dios ay ibinigay ang regalo sa mga “taong may matatag na kaisipan” dahil sila ay nagtitiwala sa Dios (TAL. 3). Siya ay karapat-dapat pagkatiwalaan ngayon, bukas at magpakailanman dahil ang “Dios na si Yahweh ang walang hanggang kublihan” (TAL. 4). Ang pagtitiwala sa Dios gamit ang ating isip na nakatuon sa Kanya ang solusyon sa padalos-dalos na buhay.
Alam ba natin kung kailan tayo nagpapadalos-dalos at nagmamadali? Maaaring taliwas dito, tayo ay madalas makaranas ng kapayapaan. O nasa gitna tayo ng dalawa.
Nasaan man tayo, panalangin ko ngayon na huwag tayong magmadali at tayo ay magtiwala sa Dios na hindi tayo bibiguin at magbibigay sa atin ng kapayapaan.