Sumaklolo agad ang mga doktor sa isang babae na taga Australia na biglang nawalan ng kanyang memorya. Siya ay nagkaroon ng amnesia. Hindi niya matandaan ang mga detalye ng kanyang pagkatao. Wala siyang pagkakakilanlan. Hindi maibigay ng babae ang mga impormasyon tungkol sa kanyang sarili gaya ng kanyang pangalan at tirahan. Nagtulong-tulong ang mga doktor at mga mamamahayag upang manumbalik ang kanyang alaala, maibahagi ang kanyang kuwento, at makasama niya muli ang kanyang pamilya.
Ang hari ng Babilonia na si Nebukadnezar ay nawalan din ng memorya tungkol sa kanyang sarili. Ang kanyang amnesia ay espirituwal dahil nalimutan niyang ibalik ang pagkilala at papuri sa Dios na Hari ng mga hari, ang Dios na nagkaloob sa kanya ng lahat ng kanyang kayamanan at mga ari-arian (DANIEL 4:17, 28-30).
Hinayaan ng Dios na maranasan ni Nebukadnezar ang mamuhay sa ilang kasama ng mga mababangis na hayop at kumain ng damo tulad ng baka (TAL . 32-33). Makalipas ang pitong taon ay nanumbalik muli ang alaala ni Nebukadnezar. Muli niyang naalala kung Sino ang nagkaloob sa kanya ng kanyang kaharian. Ipinahayag niya, “Akong si Nebukadnezar ay nagpupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit” (TAL . 37).
Ano naman ang pagkakakilala natin sa ating mga sarili? Maaari nating makalimutan ito dahil sa ating mga nakamit sa buhay. Pero nariyan ang Hari ng hari na magpapaalala tungkol sa Kanyang kabutihan sa buhay natin.