Ang tanyag na manunulat at kritiko na si Malcolm Muggeridge ay nagtiwala kay Cristo sa edad na 60. Sa kanyang ika-pitumpu’t limang kaarawan ay nagbahagi siya ng dalawampu’t limang magagandang katotohanan tungkol sa buhay. Sinabi ni Muggeridge, “Wala akong nakilalang mayamang tao na masaya, pero may nakilala akong isang mahirap na tao na ayaw niya maging mayaman.”
Marami sa atin ang sasang-ayon sa katotohanang hindi tayo kayang pasayahin ng ano mang yaman sa mundo. Pero tayo rin namang lahat ay nagnanais na magkaroon ng maraming salapi para siguraduhin ang kinabukasan ng ating buhay.
Napakayaman ni Haring Solomon. Tinatayang aabot sa dalawang trilyong dolyares ang kabuuan ng kanyang kayamanan. Kahit siya ay mayaman, nalalaman ni Solomon na may limitasyon ang paggamit ng pera. Ang mga talata sa Kawikaan 8 ay ayon sa kanyang karanasan. Siya ay nagbibigay paalala sa mga tao tungkol sa karunungan. “Ang aking sigaw ay sa mga anak ng tao… Sapagkat ang aking bibig ay nagsasabi ng katotohanan” (TAL . 4-7). “Sa halip na pilak, ang kunin mo’y ang aking aral; At sa halip na dalisay na ginto ang kaalaman. Sapagkat mabuti kaysa alahas ang karunungan, at lahat ng maari mong naisin, sa kanya’y di maipapantay” (TAL . 10-11).
Pinaaalalahan tayo ng karunungan. “Ang bunga ko ay mas mabuti kaysa ginto, kaysa gintong mainam, at maigi kaysa piling pilak ang aking pakinabang. Lumalakad ako sa daan ng katuwiran, sa mga landas ng karunungan” (TAL . 19-20). Ito ang tunay na kayamanan!