Kung meron man akong nakikilalang matapat na tao, iyon ay walang iba kundi si Kuya Justice. Tapat si Kuya Justice sa kanyang asawa, sa kanyang trabaho bilang tagapaghatid ng sulat, at bilang tagapagturo ng mga bata sa aming simbahan. Bumisita ako muli sa aming simbahan at nakita ko muli ang bell na ginagamit ni Kuya Justice bilang panghudyat sa amin na matatapos na ang aming pag-aaral. Lumipas man ang mahabang panahon pero nandoon at nagagamit pa rin ang bell. Kahit wala na si Kuya Justice ay nanatili pa rin ang kanyang alaala at katapatan sa amin.
Sa Biblia naman ay may nabanggit sa aklat ng Hebreo tungkol sa tapat na lingkod ng Dios. Si Moises ay isang tapat na lingkod ng Dios, pero nais Niya na sumunod tayo sa yapak ni Jesus. “Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya…alalahanin n’yo si Jesus” (TAL . 1). Ganun din ang paalala sa mga taong nakakaranas ng pagsubok at tukso - ang tumingin kay Jesus dahil Siya ay tapat na tutulong sa atin.
Ano naman ang ating ginagawa sa tuwing tayo ay nakakaranas ng mga tukso at suliranin sa buhay? Tayo ay inaanyayahan na “Tumingin kay Jesus (3:1). Palagi tayong tumingin at alalahanin ang mga ginawa ni Jesus. Tunay na makakaasa tayo ng tulong sa ating buhay dahil sa Anak ng Dios.