Katulad ng paghihintay ng mga tao, madalas din akong naghihintay. Naghihintay ako sa sagot ng Dios sa aking mga idinadalangin. Hindi ko man alam kung kailan tutugunin ng Dios ang aking mga dalangin, natutunan ko naman ang maghintay na umaasa sa Dios. Sa Biblia naman, dumanas ang sumulat ng Salmo ng matinding pagsubok at pagkabalisa. Pakiramdam niya na ito ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay (SALMO 130). Gayon pa man, mas pinili niya na magtiwala sa plano ng Dios at maghintay na parang guwardiya na alertong nagbabantay hanggang sumapit ang umaga. Sinabi sa Biblia, “Naghihintay ako sa Inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga” (TAL. 6).
Ang pagtitiwala ng sumulat ng Salmo sa katapatan ng Dios ang nagpatibay sa kanya para harapin ang mga pagsubok. At dahil sa mga pangako ng Dios na binanggit sa Biblia, nagbigay ito sa kanya ng pag-asa na maghintay sa tugon ng Dios kahit hindi niya alam kung kailan ito mangyayari.
Kung nakakaranas ka man ng pagsubok ngayon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Umasa ka sa Dios na tutulungan ka Niya at ililigtas. Tapat ang Dios sa Kanyang mga pangako kaya mapagkakatiwalaan natin Siya.