Ayon sa batas ng mga Romano noon, walang heneral ang mangunguna sa kanyang hukbo para tumawid sa Ilog ng Rubicon. Kaya noong pinangunahan ni Julius Caesar ang kanyang hukbo papuntang Italya at tumawid ng ilog, itinuring itong pagtataksil sa batas ng Romano. Ang pagtataksil na ito ang nagdulot ng digmaang sibil.
Minsan, parang nakakatawid din tayo sa ilog ng Rubicon sa pamamagitan ng mga salita na sinasabi natin sa ating kapwa. Kapag nasabi na kasi natin, hindi na natin ito mababawi. Kapag lumabas na sa ating mga bibig, maaaring ang mga salitang ito ay makatulong sa iba o makasakit sa ating kapwa. Ito ang sinasabi sa aklat ni Santiago, "Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin." (3:6).
Kung nararamdaman natin na nakakatawid tayo sa Rubicon ng ating kapwa, maaari nating hingin ang kanilang kapatawaran at ang pagpapatawad ng Dios. Tandaan natin ang sinabi ni Pablo sa aklat ng Colosas 4:6 “Kung nakikipagusap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita para makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.” Ang ating mga sinasabi ay dapat nagbibigay ng karangalan sa Dios at sa ating kapwa.