Nakilala si Amy Carmichael (1867-1951) sa kanyang misyon ng pagkupkop sa mga ulilang batang babae sa India sa pamamagitan ng pagkakaloob muli sa kanila ng bagong simula at bagong buhay. Sa kanyang aklat na Gold by Moonlight, mababasa na sa gitna ng ating mga kaabalahan sa araw-araw, binibigyan pa rin tayo ng pagkakataon na makita ang kagandahan ng mga magaganap sa hinaharap.
Nagsalita ang propetang si Isaias noong panahong ang mga mapanghimagsik na anak ng Dios ay tumalikod sa kanya. “Mga Israelita, makikita ninyo ang isang makapangyarihang hari na namamahala sa napakalawak na kaharian” (ISAIAS 33:17). Upang matanaw natin ang ganda ng kinabukasan, huwag tayong manatili lamang sa paglilimita ng ating kasalukuyang kalagayan. Sa halip ay tingnan natin ang haharapin nating bukas. Sa panahon na tayo’y nakakaranas ng mga pagsubok, hinuhubog tayo ng Dios upang tayo ay mamuhay ayon sa Kanyang kagustuhan at magkaroon muli ng bagong pag-asa. Gagawin ito ng Panginoon dahil Siya ang ating hukom, mambabatas, at hari. Siya ang magliligtas sa atin (TAL . 22).
Ginugol ni Amy Carmichael sa pagtulong sa mga kabataang kababaihan ng India ang higit sa 50 taon ng kanyang buhay. Nagawa n'ya ito sa pamamagitan ng pananalig sa Dios at pagtitiwala ng kanyang buhay sa Kanya. Kaya rin naman natin ito.