Paano kumikilos ang Dios sa buhay mo? Iyan ang tanong ko sa aking mga kaibigan. Ang sagot ng isa kong kaibigan, “Sa pagbabasa ng Biblia tuwing umaga.” Sabi naman ng iba, “Sa pagharap sa buhay araw-araw at sa pagtulong ng Dios sa aking pagtatrabaho.”
Ang pinakagusto ko naman sa mga sagot sa sinabi nila ay kapag nakukuha raw nilang maging maligaya sa kabila ng mga pagsubok. Nagpapakita ang sagot na ito na sa pamamagitan ng Salita ng Dios at pagkilos ng Banal na Espiritu, patuloy na kumikilos ang Dios para sa mga nagmamahal sa Kanya.
Ang pagkilos ng Dios sa mga sumasampalataya kay Jesus ay isang hiwaga na binanggit sa Aklat ng mga Hebreo sa Biblia. Sinabi roon, “At sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, nawaʼy gawin Niya sa atin ang kalugod-lugod sa Kanyang paningin” (13:21).
Binigyang diin dito na bibigyan ng Dios ng kakayahan ang mga tao para sumunod sa Kanya. Ang Dios ng kapayapaan ang magbibigay ng pag-ibig at kapayapaan sa atin. Kikilos din ang Dios sa ating buhay para maiparamdam natin ito sa iba (TAL . 20).