Sa isang karera, mabilis mapagod ang sa simula pa lamang ay nangunguna na kaya malabong maipanalo nila ang laban. Sabi ng aking coach, mas bigyang pansin ko ang mga kalabang alam kong mabilis tumakbo dahil sila ang magtatakda ng bagal at bilis ng laban hanggang sa huli.
Kung nakakapagod ang pangunguna, nakakapagpalaya naman ang pagsunod. Madalas akong nagiging biktima ng kaisipang tanging ang labis na pagsisikap na magkaroon ng perpektong buhay ang kahulugan ng pagiging isang mananampalataya. Dahil dito, hindi ko nadarama ang kaligayahan at mapagpalayang biyaya na kaloob ng pagsunod kay Cristo (JUAN 8:32, 36).
Subalit hindi tayo ang nakatakdang magplano ng ating buhay dahil ipinangako ni Cristo na sa Kanya natin matatagpuan ang kapahingahang ating hinahanap (MATEO 11:25-28) at na sa pamamagitan Niya ay makikilala natin ang Dios (TAL . 27). Kapag Siya ay ating nasumpungan, gagaan ang ating mga pasanin (TAL .28-30) at mababago ang ating buhay.
Ang pagsunod sa ating maamo at mababang-loob (TAL .29) na lider ay hindi kailanman dapat maging mabigat sapagkat Siya ay nagbibigay ng pag-asa at pagpapagaling. Nakapagpapalaya ang pag-ibig na mula sa Kanya.