Iminungkahi ng isa naming kasama sa grupo sa pag-aaral ng Biblia na gumawa raw kami ng sarili naming salmo. Kahit ang iba ay tumutol at nagsabing wala silang kakayanang magsulat, nakagawa rin kami ng mga tula na naglalarawan sa pagkilos ng Dios sa aming mga buhay.
Gaya ng sinasabi sa Salmo 136, ang bawat tula ay nagpakita na ang pag-ibig ng Dios ay mananatili magpakailanman. Ang mga pagsubok, paggabay, pagbibigay at kahit ang sakit at luha ang naging tema ng aming mga salmo.
Ang bawat isa sa atin ay mayroong kuwento tungkol sa pag-ibig ng Dios. Puwedeng tungkol ito sa kung paano ka tinulungan ng Dios sa isang mahirap na pangyayari gaya ng Kanyang ginawang pagliligtas na binanggit sa Salmo 136. Maaari mo ring ikuwento ang iyong paghanga sa Kanyang mga nilikha (TAL . 10-15). At “ang paggawa sa kalangitan...paglatag sa lupa sa ibabaw ng tubig...paglikha sa araw upang magbigay ng liwanag kung araw...ang buwan at bituin upang magbigay liwanag kung gabi” (TAL . 5-9).
Maaari tayong “mag-usap sa isa't isa sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit” (EFESO 5:19) maging ang tungkol sa kabutihan ng Dios.