Minsan, mahirap ang buhay. May panahon naman na may nangyayaring himala.
Tatlong lalaki na naging bihag ng Babilonia ang matapang at may paninindigang sinabi sa harap ng hari na hindi kailanman sila sasamba sa gintong dios-diosan. Sama-sama nilang inihayag na: “Ang Dios na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon... Kung hindi man Niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga dios... (DANIEL 3:17-18 MBB).
Nang itinapon ang tatlong lalaking ito na sina Shadrac, Meshac at Abednego sa naglalagablab na apoy, naghimala ang Dios at sila ay iniligtas. Kahit hibla ng buhok nila ay hindi nalapatan ng apoy at kahit na ang damit nila ay hindi nag-amoy usok (TAL. 19-27). Sa kabila ng banta sa kanilang buhay, hindi nagbago ang pagtitiwala nila sa Dios.
Nais ng Dios na manatili tayong nakakapit at nagtitiwala sa Kanya kahit na hindi ang plano natin kundi ang plano Niya ang nasusunod. Kailangang pagtiwalaan natin ang plano Niya dahil Siya ay makapangyarihan. Mahal Niya tayo at kasama natin Siya sa lahat ng bahagi ng ating buhay.